“Naipamalas ang Pinakadakilang Kapahayagan ng Pag-ibig!”
“At pinasimulang anyuan ng Diyos na Jehova ang tao mula sa alabok ng lupa at inihihip sa mga butas ng kaniyang ilong ang hininga ng buhay, at ang tao ay naging isang kaluluwang buháy.” (Genesis 2:7, bi12) Ito ang pasimula ng napakahabang linya ng sangkatauhan. Nilalang si Adan na perpekto, walang kapintasan, at pinaglaanang sagana ni Jehova. Higit sa lahat, ang tao ay nilalang “ayon sa larawan ng Diyos”. (Genesis 1:27) Kung gayon, taglay ni Adan ang mga katangian ng Diyos na buháy na tinukoy ng Bibliya bilang makatuwiran, nakahihigit sa karunungan, makapangyarihan-sa-lahat, at pag-ibig. Subalit sa kabila ng mga paglalaang ito, naiwala ni Adan ang kaisa-isa nitong mana noon: ang walang hanggang buhay sa paraisong tinatamasa. Naging kahulugan ng isang munting pasiya ang buong kinabukasan ng tao. Iyan mismo ang iniuulat sa atin ng ikatlong kabanata ng Genesis, at ang resulta nito’y isang hatol sa lahat na walang tao ang may kakayahang bumali, na ipinasulat ng Diyos sa Roma 5:12 upang b...