Kapag ang Araw ay Dumatal...
Kapag ang Araw ay Dumatal...
Isinulat at isinalaysay ni: Alexander Locquiao Nartates

Dalawang taon na rin pala ang lumipas
Ngunit hanggang ngayo’y ‘di ko parin matalastas
Sa isang munting araw, ako’y lubhang binago
Kapalarang naghihintay, waring natutunghayan ko
Simula nang idilat ko ang munti kong mga mata
Simula nang masilayan ko ang daigdig na kayganda
Nang ako’y isilang sa isang munting dampa
Si Jehova ang nagpangyari sa buhay kong payapa
Ika-dalawampu’t anim na araw ng Agosto,
Sa ikalawang milenyo matapos isilang si Kristo
Ako’y nagkaisip, nabuhay sa mundo
Isang hininga, sa aki’y iniregalo
Sa munting nayon sa bayan ng Cuyapo
Barangay Loob, doon ako natuto
Ang pagkuha ng kaalaman tungkol kay Jehova’t Kristo
Nasimulan sa payapa’t tahimik na dako.
Sa nayong iyon na aking kinamulatan
Doon ako bumuo ng sariling pagkakakilanlan
Doon na nakilala ang munting Alexander
Isang maamong bata mula pa no’ng Kinder
Sa pagdampi noon ng bukang liwayway
Laging dumudungaw, kainosentehang taglay
May ngiti sa labi sa maghapong nagdaraan
May puwang sa’king puso ang hangad kong kaligayahan
Kami ay malayo noon sa kabihasnan
Hiwalay sa sentro ng buong kanayunan
Ngunit magandang balita’y doon naihahatid
Salita ni Jehova’y hindi nasasaid
Dalawang mag-asawa ang unang nagturo
Mga aral ni Jehova, ikinintal sa’king puso
Nagsilbi itong tanglaw sa madilim kong pagkatao
Tinulungan ako nito upang malaman ang totoo
Aklat na aming pinag-aralan ay nagbigay halimbawa
“Matuto mula sa Dakilang Guro” ang kinasangkapan nila
Itinawid nila sa akin ang nilalaman ng aklat
Naituro sa akin kung paano mag-ingat
Yamang huling araw na, gaya ng mapapansin
Pasama na nang pasama ang nakikita sa paligid natin
Kaya’t tayo’y pinag-iingat sa masasamang gawain
Upang hindi mapasama sa oras na sila na’y lilipulin
Ngunit ‘di nagtagal, dulot ng ilang mga rason
Pag-aaral namin ay tumigil sa pagsulong
Dako ng Villaflores, kami ay nanahan
Dulong hilaga, sa gawing kanluran
Tuluyan kong iniwan, bawat ala-ala
Bumuong muli ng bagong simula
Mapapait na gunita, mahirap kalimutan
Ngunit nabaon rin sa limot dahil sa pag-asang nakamtan
Taong twenty-eleven, ika-dalawampung araw ng Abril
Isang sugat ang yumapos, na waring binaril
Walang naghihilom na sugat ng pangungulila
Masalimuot na yugto, nagpangyari sa’king pamilya
Pagkamatay ng aking lolo, ama ng aking ina
Nag-iwan ng sugat sa pusong nangungulila
Masakit man isipin na siya’y pumanaw na
Ngunit kailangang tanggapin, na siya’y wala na talaga
Tatlong araw ang naluma rin at nagdaan
Pusong sugatan, napanariwa na naman
Sa ikalawang pagkakataon, ama ng aking ama
Nangungulila ng lubos sa aking pagkawala
Hanap niya’y ako, pangalan ko’y sinasambit
Ngunit ‘di nagtagal, araw ay sumapit
Siya’y lubhang nainip na sa kaniyang kahihintay
At tuluyan na ngang namaalam at natulog sa hukay
Panibagong dagok, panibagong kirot
Hirap kong tanggapin, hirap makalimot
Sakit na dulot ay nagpapanariwa pa
Hanggang ngayon, siya’y nasa aking gunita
Tatlumpu’t siyam na araw ang muling lumipas
Na hanggang ngayon, ‘di ko parin matalastas
Pagpanaw ng aking tiyo, kapatid ng aking ina
Hatid pa rin ay sugat sa pusong aba
Ano’t walang tigil at hindi humuhupa?
Bakit kailangang mangyari ang gayong pangungulila?
Bakit kailangang mangyari sa iisang taon lamang?
Ito ba’y isang karimarimarim na sumpang walang katapusan?
Diyos lang ang may kasagutan sa gayong sakuna
Dahil walang makapagsasabi kung kailan mapupuputulan ng hininga
Hangad ko’y kaaliwan, hangad ko’y kasagutan
“Jehova aking panalangin, ibigay ang aking panawagan”
Hindi nagtagal, sa sumunod na taon
Hangad kong kasagutan, unti-unting natatalunton
Ang huling nagturo sa akin ng aral ni Jehova
Ay lumapit sa amin, at ngayo’y bumisita
Agad kong sinunggaban ang natatanging pagkakataon
Nagpaturo akong muli, at sa kaniya’y nagpatulong
Ngayon na ang pagbabago na gusto kong masimulan
Makaalpas sa bangungot na iniwan ng nagdaan
Sa pagdaan ng araw, buwan at taon
Marami akong natutunan, kombinsidong ito na ‘yon
Ito na ang hanap kong kaaliwan
Narito na ang hangad kong kasagutan
Patuloy akong sumulong sa ispirituwal na aspeto
Laging nakikibahagi sa teokratiko at ministeryo
Ispirituwal na piging ay ‘di ko kinaligtaan
Hangad kong si Jehova’y aking mapalugdan
Ika-dalawampu’t siyam ng Disyembre, twenty-thirteen
Una kong report, ibinigay sa kalihim
Mga nagawa ko sa aking ministeryo
“Field Service Report” sa buong buwang ito
Ika-labin-isa ng Enero, twenty-fourteen
Una kong pakikibahagi sa formal witnessing
Una kong nadama ang tunay na kagalakan
Masaya pala ang magbahagi ng pag-asa’t kaaliwan
Una kong pag-ibig kay Jehova’y aking naramdaman
Pangangaral ng mabuting balita, aking pinahalagahan
Walang katulad na trabaho, hatid ay kaligayahan sa puso
Lalo na’t kasama mo, kaibigang totoo
Ika-dalawampu’t apat ng Abril ng gayon ding taon
Una kong bahagi, natunghayan ng Kongregasiyon
Naramdaman kong muli ang kagalakang hatid
Na walang sinuman ang makasisira’t makapapatid
Kabataan bonding, nagbigay katatagan
Nagpaningas sa mitsa ng aking karupukan
Ika-dalawampu’t anim ng Abril, minarkahan sa’king kalendaryo
Taong twenty-sixteen nang pasinayaan ito
Patuloy akong sumulong, at nagprogreso
Apat na taon ang lumipas, ako’y naging di-bautisado
Ika-dalawampu’t apat na araw sa buwan ng Hulyo
Ako’y sinuri, at natagpuang kuwalipikado
Sa sumunod na buwan, Agosto twenty-five, twenty-sixteen
Publiko akong naideklara’t naihayag ng pormal rin
Simula na ng pagtakbo ko sa takbuhan ng pananampalataya
Susulong na ako at patuloy na magbabata
Sa buwang iyon, ganap akong nasiyahan
Puso ko’y nangagalak, tuwa ko’y walang pagsidlan
Ganito pala kasarap ang sumunod kay Jehova
Tunay na kagalakan ang hatid sa mga may takot sa kaniya
Pagpapalang dulot ng aking paglilingkod
Mga kapatid na narito’t kasama ko sa pagsunod
Pagsunod sa yapak ng nagsakripisyong Kristo
Pagsunod sa yapak ng tunay na Kristiyano
Dalawang taon ang lumipas at naluma
Gaya ng binanggit sa unang bahagi ng tula
Bautismo ko sa tubig, ito’y ginanap na
Ako ngayon ay hayagan at pormal nang naideklara
Sa aking bautismo, mula nang ako’y nalublob
Hudyat na ng pagbabagong matagal ko nang niloloob
Pagkamatay ko sa lumang personalidad,
At muling pagkabuhay, taglay ang bagong moralidad
Patuluyan akong nabago ng aking pagnanasa
Pag-asam ko ng kaligayahan, napasakamay ko na
Hindi pala mahirap hanapin ang kaligayahan
Ito lang ay nasa puso, pagtuklas lang ang kailangan
Sa pagtalunton ko sa panibagong dako
Araw ay muling sumibol, sinilang ang bagong ako
Bagong katangian, bagong pagkakakilanlan
Isang bagong Alexander, isang Saksing may paninindigan
Bawat paghakbang ay may hatid na bunga
Ang ating desisyon ay may dalang resulta
Anuman ang gawin, hatid pa ri’y pagpapala’t kasiraan
Tayo lang ang makapipili ng ating kinabukasan
Kaya nating baguhin ang naghihingalong puso
Kaya nating gamutin ang sakit na naukit dito
Pero tanging si Jehova ang nagtataglay ng lunas
Nasa kaniyang bisig ang katangi-tanging hiyas
May kakayahan tayong lumimot ng ganap
Kahit ang sugat sa puso’y patuloy na magpapahirap
Daramdamin man ang antak, pwede tayong lumigaya
Basta si Jehova’y patuloy na nasa ating gitna
Kaya nating iwan ang ating nakaraan
Ngunit paraan lang ang katangi-tanging kalunasan
At panahon lang ang tanging makapagsasabi
Kung handa na ba ang pusong huminto sa pamimighati
Sa ganang akin, ako ay nagkusa
Humingi ng tulong sa dakilang Maylikha
Nagsagawa ng hakbang upang matalunton
Nasumpungan ko nga, hangad kong solusyon
Alam kong Bibliya lamang ang tanging may kasagutan
Ngunit Bibliya noo’y ‘di ko lubusang maunawaan
Gayunma’y alam kong maiintindihan ko rin ’yan
‘Di ko lang alam kung kailan at saan
Hindi ko lubos maisip at hindi ko inaasahan
Ngunit sa isang araw na walang kasiguraduhan
Pagkakataon na ang lumapit, kumatok sa aking puso
Sagot na ang nagpunta sa harap ko, tatanggi pa ba ako?
‘Pagkat may panahon sa lahat ng adhika
May itinakdang oras para sa hangad ng bawat isa
Ang kailangan lang gawin ay maghintay at gumawa
Hanggang ang araw dumatal, at aanihin natin ang bawat resulta
Kapag ang araw dumatal para ako’y magbago...
Kapag ang araw dumatal para malunasan ang aking puso...
Kapag ang araw dumatal para masagot ang tanong ko...
Kasiyahang dulot, wala na ngang pagsidlang mga buslo
Kapag ang araw dumatal para makita ang katotohanan...
Kapag ang araw dumatal para magbahagi ng aking nalalaman...
Kapag ang araw dumatal para magbigay ng kaaliwan...
Pagpapalang naghihintay ang aking makakamtan
Kapag ang araw dumatal para makibahagi na sa pagtitipon...
Kapag ang araw dumatal para ako’y makipagkilala sa Kongregasiyon...
Kapag ang araw dumatal para ako’y makihalubilo sa organisasiyon...
Kagalakan ang aking tatamasahin sa bawat pagkakataon
Kapag ang araw dumatal para mabautismuhan na...
Kapag ang araw dumatal para maglingkod kay Jehova...
Kapag ang araw dumatal para ako’y maging pagpapala sa iba...
Makakamit ko ang kaligtasan ng aking kaluluwa
Kasiyahang walang pagsidlan ay aking natamo
Pagpapalang naghihintay ay tinatangnggap ko
Kagalakang hatid ay nanahan sa aking puso
Dahil ang araw dumatal, kaligtasan ko’y nagkatotoo
Dahil ang araw dumatal, ako ay naririto,
Dahil ang araw dumatal, naaya namin ang ama ko sa pagkatuto
Dahil ang araw dumatal, maligaya’t nakakangiti ako
Na sa likod ng pait, pag-asa ko’y nabuo.
Hindi lubos mawari kung ito ba’y panaginip
“Pa’no kung ‘di ako umayon?”, matagal ko rin ‘tong inisip
Ngunit sadyang hindi matatalos ang kalooban ni Jehovang banal
Oo, ako’y tatamasa ng mainam “kapag ang araw dumatal...”

“Nagagalak akong ipabatid sa inyo na NGAYON ang aking bautismo!”
08/25/2018 SAT 12:00 PM
Alexander Locquiao Nartates